http://www.makepovertyhistory.org Twisted Grooves: October 2006

Friday, October 27, 2006

funny signs


posted on a restroom cubicle door in my office

i guess i have to stop thinking that i have a decent blog. hahaha! just for laughs...check this link fowarded by june->sign off

now, i want to start my own collection. :D

Saturday, October 21, 2006

this used to be my playground


i volunteered this village for sfc-meralco's gk tour.

i am always amazed by how God created the world and i also wonder why i was chosen to be a Filipino. He gave me a wonderful country full of kind-hearted people and an unending array of colored landscapes to see. as a traveller, i seek these "normal" tourist destinations to view and experience what they have to offer. and so far they were all journeys that far exceeded my expectations.

keeping beautiful experiences to myself is hard for me, that's probably why i have an online journal for the whole world to see. when i discovered this gawad kalinga village just a few hundred steps away from our place, i immediately sent word to my friends. as the song goes, "this used to be my playground", what was just a barren riverbank where we had our picnics and dragonfly catching sessions is now a relocation site for the poor of marikina. i wanted everyone to catch a glimpse of this little paradise i discovered.

far from being the usual relocation site, it's not an unwanted piece of land far away from concrete roads and decent job opportunities. this is not the relocation site where the government traditionally transfers squatters to so the unending squat-demolish-relocate-sell-squat cycle may not happen here as you would have expected.

the camacho relocation site in marikina sits on the banks of the marikina river just across the exclusive ayala heights subdivision of quezon city. there's electricity, there's water, roads are paved, jobs are provided and the kids go to school. the rich and poor share the same view and breathe the same air. the only difference is that people in camacho have smiles prettier than the rest of the world. you should see them first hand to understand what i'm talking about.

Monday, October 16, 2006

tumayo kami



tumayo kami laban sa kahirapan. tumayo kami laban sa kawalan ng hustisya.
tumayo kami dahil sawa na kami sa turuan. sawa na kami sa sisihan.
ayaw na namin ng lamangan. ayaw na namin ng kanya-kanya.

tama na ang paikot-ikot at walang saysay na bangayan.
kikilos na lang kami...sasama ka ba?

http://www.millenniumcampaign.ph
http://www.rockedphilippines.org

Thursday, October 12, 2006

royale

these are photos i took from soluziona's 11th anniversary party at club filipino. i'm getting used to partying and dressing up to the theme. hehe.



Monday, October 09, 2006

he's waiting for you

Sunday, October 08, 2006

24

paborito kong series yung 24. sa dinami-dami ng pinagkakaguluhang dibidi ng mga tao ngayon. eto lang yung ginusto kong i-marathon tuwing may bagong season na pinapalabas. ano nga ba ang pakiramdam ng taong gising ng bente-quatro oras tulad ni agent jack bauer? sa dami ng ginagawa niya sa series na yun di na rin kapani-paniwala na may lakas pa siya tuwing natatabunan siya ng kung anu-anong problema. kahit siguro naka-droga ka pa, di mo kakayanin yung ganun. anyway, kaya nga palabas eh. di naman kailangang realistic. mahusay yung 24. keeps you on the edge of your seat kumbaga. bawal kumurap.

o siya. intro lang yun. medyo naka-24 oras kasi akong gising nung sabado (at linggo). kaya ko na-relate.

nagising ako bandang alas-singko. luto ng umagahan-knorr beef noodles,itlog, tinapay at istarbuks na brewed coffee. nood ng tv. ayun talo ang new yankees ko sa game 3 ng division series. di ko ma-imagine na 2000 pa yung last na world series title ng pinakamahal na baseball team sa buong mundo. may mga pinanood pa akong ibang palabas pero di ko na maalala. excited na ako sa araw na 'to.

bandang alas-diyes nagpunta ako sa gk camacho village. nakita ko si tito eric na nagbalita sa akin na sinisimulan na yung xCIS houses na inisponsor namin. pinakilala rin niya ako sa mga beneficiaries. ang isa ay di nakakakita. meron siyang asawa at apat na anak. nakakatuwang isipin na siya mismo ay tumutulong sa paghuhukay sa kanyang bahay. tignan mo nga naman yung kumpleto ang katawan ay tatamad-tamad pero etong mamang 'to, sinusubukan niyang itaguyod ang pamilya kahit may kapansanan. nakita ko ring tapos na ang sibol school na ipinatayo ng meralco. nagkwentuhan kami ni tito eric sa mga naging problema sa site. sa huli ay nandun pa rin yung pangarap at pag-asa namin na malulutasan lahat ng dinadaanan nila ngayon. nagsabi akong babalik kami sa mga susunod na weekend para tumulong sa build. natuwa naman si tito eric.

alas-dos ng hapon umalis na ako ng bahay. pumunta akong christ the king sa may greenmeadows. kasal kasi ni noby at che. sa wakas, sa simbahan rin nag-end-up ang mga kaibigan kong 'to. pagkatapos ng ligawan, awayan at madaming kadramahan sa love life nila, ihaharap na ni noby sa simbahan si che. masaya. una kong nakita si boss cho at ms luth. ninong at ninang siyempre. si boss cho ay dati naming boss ni noby sa cis. pero more of barkada namin siya than boss. sumunod kong nakita ang pink na buhok ni mike. ang bilis at pagrabe ng pagrabe talaga ang hairstyle ni mike. ganun din siya magpalit ng kotse. haha! hi mike. hehe. kasama niya si buntis na claire. anniv ng kasal nila kinabukasan kaya may kainan kami ulit sa gabi.

as usual. pag kasalan, parang reunion ng mga dating magkaka-opisina at mga di madalas makitang barkada. the usual questions. may asawa ka na? nasan na si ano? tsismisan kaliwat kanan. masarap din pumunta sa kasalan, kasi marami kang nakikitang bagong mukha. di na ako magsisinungaling pero babe watching din ang kasal.

nagsimula ng magmartsa ang entourage. ang pogi siyempre ng groom. matagal tagal ding nagpapayat 'to. kaya dapat imention ko na pogi siya. hehe. si howie at manny, as usual ganun pa rin. di ko na i-describe. peace folks! haha. si kato tuwang-tuwa sa kanyang suot. may kabastusan sa kanyang mga mata. wala akong dslr na camerang dala kasi nasira siya sa isang prenup shoot kaya nagvideo na lang ako nung bridal march ni che. pag kasal mo raw ikaw pinakamaganda sa buong mundo. exag! pero totoo ang ganda ni che. emotional si che. umiiyak pero pinipilit mag-smile. si noby rin. parang wala sa kartada niya. pero ganun siguro pag ganitong events. lalabas ang tunay mong katauhan. damn drama. haha :))

may isang highlight si howie. yung veil ay kinakabit niya sa ulo ni noby. nagtawanan ang mga tao. at nasisi pa ako na di ko daw tinuruan si howie. pero ok lang. pamapasaya. sikat ka na naman howa! natapos ang kasal at dumating na sa kiss the bride. ewan ko kay noby, di niya tinaas na basta-basta lang ang veil. ni-rolyo niya ito pataas kaya ang tagal. tanong nung iba kung nahulog kaya yun, iro-rolyo niya ulit? ewan ko. basta natapos ang kiss the bride at nagpunta na kami sa reception.

katabi ko mga tropa. mga kabatch ko sa cis at mga ampon namin. andun din si jo. isa sa mga close friends ko. matagal din kaming di nagkita kasi na-assign siya sa australia. at di rin magtatagal sa san fo na siya mag-base. kwentuhan. picture-an. di nagtagal kumain na rin kami. diet mode kuno ako, pero sa totoo lang inihahanda ko lang yung tiyan ko sa anniversary party ni mike at claire. pagkakain ay umalis na rin kami agad ng ibang mga invited sa other party. di na ako nakapag-paalam sa lahat ng tao. i feel rushed.

nasa summer palace, shangri-la ako bandang 7:30. andun na ang karamihan sa bisita. may kasabay akong pumasok na magandang babae. siya pala yung may ari ng bizu. sinalubong ako ni "pink-haired" mike at ang buntis na si claire. andun na rin ang mga kasama kong abay sa kasal at iba pang family and friends. pag upo ko, may mga printed pictures sa mesa. bawat isang guest may stack of prints ng mga pictures nila nung wedding. ayos ah. first page pala yung nilay-out kong pics ng mag-asawa. di ko kuha 'tong mga litrato. kuha ng mentor kong si mel cortez. sa wall din naka-project yung set ng orange and lemons na naging houseband nung kasal. dumating na ang ibang guests. sinimulan na rin ang paghain ng pagkain lauriat style. sa totoo lang di ko na naenjoy ang pagkain. nabusog na ako agad. matapos ang mga kulitan nagyaya na rin akong umalis. nag-aantay na rin kasi yung mga sasabay sa akin papuntang gk expo.


medyo natraffic kami sa edsa. dumating kami sa mall of asia ng mga 10 pm. karamihan sa mga cfc at sfc-meralco ay nakauwi na. at marami na rin ang pauwi na. tapos na ang martsa, tapos na rin ang mga talumpati. kumanta na si gary v at sarah geronimo, tumugtog na rin ang bamboo. ang sabi nila dapat daw may bayad ang mga artists na 'to. pero mukhang napakiusapang maging pro bono na rin matapos ang pagka-swept away ng mga gk houses at tents sa expo site nung bumagyo. wala ng budget. galing talaga ng gk. nakakahawa ang kagandahang loob ng mga tao.

tamang-tama inabutan namin ang "rocked set." si gang ang naghost. bilib ako kay gang. matindi ang energy. ok ang humor. may laman ang bitaw ng bawat salita. bagay siya sa gk. buti na lang kakampi na namin siya. ok, hindi dapat kakampi. kasi pag sinabi mong may kakampi ka, ibig sabihin may kaaway. walang kaaway ang gk. lahat kasama-mayaman, mahirap, kristiyano, muslim, kaliwa, kanan, pro-gloria, anti-gloria, la salista, atenista, iskolar ng bayan, tomasino (tama ba ang order? good better best at best of the best? hehe pag bigyan niyo na ako. champion naman kami ng uaap eh at blog ko 'to!).

panggabi ang toka namin sa gk expo. rock-rakan. puyatan. hindi ako bagay sa puyatan. pero no choice. di pwedeng di ko mapuntahan ang mga events na ganito. unang tumugtog ang dicta license. mahusay yung vocalist nito. lumalayo na siya sa zach dela rocha comparison. buti naman. magaling siya. yfc pa! chicosci at imago ang ilan sa mga sumunod na banda. sobrang pop na ang imago. nami-miss ko ang dati nilang tunog. pero ok lang. yun ang trip nila eh. tara let's, tara let's! ano daw???

magaling ang mga pinoy na banda. pinoy na pinoy. o ha?! may natutunan ako sa kwento ni gang. may nagtanong daw sa kanya kung "sino yung kumakanta." sabi niya "si ziti (tama ba spelling?)." "pinoy?", "oo!," sagot ng nagtanong "ang galing ah parang foreigner." engggg. mali ata yun. dapat magaling kasi pinoy. napaka-negative natin noh? foreigner lang ba ang pwedeng maging magaling? minsan na-stuck tayo sa pag-iisip na third world country tayo. kaya akala natin puro mediocrity lang tayo. di pwedeng maging first class. dapat pag may narinig kang magaling na banda tulad ng coldplay, ang dapat sabihin mo, "ang galing nila ah, parang pinoy."

ikot kami ng expo site. walang bahid ng bagyo. parang di ginawa 'to ng ilang araw lang. ang bilis magtawag ng volunteers ng gk. at mas matindi yung dagsa ng tulong kung kani-kanino. nakita niyo ba yung "pako" commercial? yun yung gumawa sila ng model house gamit ang pako. ang galing nun. worth 26 million daw yun. pero walang binayaran ang gk, lahat libre. marami talagang nagmamahal sa bayan na 'to. sa pag-ikot sa expo grounds nakita namin si rj. isa siya sa proponents ng tambayani project. siguro eto yung katumbas ng sibol schools, pero eto naman para sa mga teenagers. dito balak turuan ng arts, math, i.t., atbp ang mga siga ng mga gk sites. may ginagawa ng ganito ang soluziona (kumpanya ko) sa buwayang bato sa mandaluyong. pwede rin ang rocked dito ah. gang, beng, aggie, pag-isipan natin 'to. alam niyo ba si gang tinawagan dati ni bono??? si bono kasi ang isa sa nagtataguyod ng "one" at "make poverty history." kaya nagkaroon ng connection sa rocked. masarap talaga pag may puso ka para sa mga tao. dumadating ang blessings kung saan-saan. nakakainggit ka gang. di kami close ni gang. pero she knows i exist. na-visit na niya 'tong blog ko. sikat na rin ba ako? haha!

antok na ako ng mga panahong ito. pinipilit ko pang dumilat pero di ko na kinaya. natulog kami ni cheq at geh sa kotse. gumising kami ni cheq bandang alas-tres. the dawn na kasi. nasa may stage na ang marami sa mga tao. pero maganda, disiplinado pa rin. walang nag-attempt na punasan ng pawis si jett pangan. kakabilib ang energy ng mga tao. alas-tres na pero nagsisitalon pa rin. na-record ko 'to sa ixus ko. sabi nga ni jett, ang titibay ng mga tao. huling banda na ang the dawn. akala ko misa na agad. pero may humirit pang isang hip-hop group. nag-rap sila. dapat ko pala isingit dun sa "...mayaman, mahirap..." yung "hip-hop, metal..." hehe. naka-dalawang may relevance na kanta sila. kanta nga ba tawag dun? hmmm. ayos naman. medyo nagpapaka-slang. pero yun nga, may relevance naman ang titik eh.

nagkaroon ng worship pagkatapos ng dalawang hip-hop songs. sige na nga songs na rin yun. pasado alas-kwatro, nagsimula na ang mass. makikita mong nagkukunwaring gising na ang mga hyper na yfc at sfc. marami ang tulog sa homily. mga ala-sais nasa jollibee blue wave na kami. kumain ng almusal. longganisa meal ang order ko plus hot choco. pag bukas sa libreng philippine star, cover pa si gloria at tito tony. sa loob may gk article rin. nakakatuwa. 3 years ago masaya ka na pag may nakita kang maliit na gk article sa maliliit na diyaryo. pero ngayon-tv commercials, full page ads ng mga malalaking kumpanya, front-page pictures, editorials, magsaysay award, haydee yorac award at kung anu-ano pa. mahigit pa ata sa domino effect at multi-level marketing 'tong nangyayari. sabagay kung dekada ka nga namang nasa madilim na lugar, inaapak-apakan at nawawalan ng pag-asa, pag may nakita kang isang ilaw na maliwanag di ba susundan mo rin yung ilaw?

umuwi na kami. alas-syete ng umaga nasa bahay na ako. sobra sa 24 oras na ang nakalipas. masaya ako kahit pagod at medyo sinisipon. marami akong napuntahan at nagawa. marami akong nakita at naexperience. minsan kulang ang isang araw para magawa mo ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo. sana nakapag-stay pa ako ng mas matagal sa kasal ni noby at che. di ko man lang nakausap si boss cho. miss na rin kita bossing. di ko pa nasoli merallica dvd mo. meron pa akong ibang hindi nakausap o nakilala man lang. hehe. sa susunod na lang. di ko rin natikman yung dessert sa summer palace. pero mike and claire yearly na naman di ba? :p di rin ako naka-attend ng march sa gk. balita ko sobrang dami ng sumali dito. sana ganun rin kadami ang manpower pag may kailangang gawin sa mga gk sites. bitin talaga! baduy mang sabihin, time is gold talaga. it's so cliche ba?

7:30 natulog ako sa sofa. di na ako ginising nga nanay at tatay ko nung tanghali. 1:30 ng gumising ako. nood agad ng tv. si wowie napanood ko sa gameplan. a few hours ago lang nakita ko siya ng personal sa expo. teka-teka sobra na sa 24 hours 'tong kwento ko. wala ng relevance yung title ko.

Wednesday, October 04, 2006

Walk the Talk


Awarding Ceremonies of the 1st Gawad Haydee Yorac Award to Tony Meloto of Gawad Kalinga at the Meralco Theater

Tuesday, October 03, 2006

it's alright to dream

at one point we were cellar dwellers. 2 wins and 4 losses. the press thought this was it. a young team. an inexperienced coach. injuries. heartbreaks. suddenly a resurgence. we clawed the "invincible". scratched the other warriors. aiming the no. 4 spot, we got the no. 3. faced a twice to beat disadvantage. we nailed the wins and got the 2nd finals spot. a heart breaking game 1. we were young. a learning experience. we had to move on. we showed class on game 2. still believing. then on the last day of the season. we were there. hanged tough. never gave up. pure heart. we just wanted to deliver. our dream was not about to be brought down. not just yet. another 5 minutes. missed free throws. mental lapses. more heart. more will. we wanted it more. we fought hard and until the end we did. it's ours. 10 years man. 10 years. we won't let another decade pass. our dreams. yes our dreams. finally it's again a reality.

go uste!!! go uste!!! go go go!!!